MERALCO MAY POWER INTERRUPTION ULIT

meralco121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na ilang lugar sa Metro Manila ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggo.

Ito’y bunsod na rin nang patuloy na maintenance works na isinasagawa ng naturang electric company na ang layunin ay mapagbuti pa ang pagbibigay nila ng serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Batay sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, ipatutupad ang power interruptions mula Hulyo 9 hanggang Hulyo 11 sa ilang lugar sa Pasig City, Quezon City, at  Taguig City.

Nabatid na sa Pasig City, magkakaroon ng relokasyon ng mga pasilidad sa GSIS Road sa Barangay Rosario. Pasig City simula alas-11:30 ng gabi ng Hulyo 10 hanggang ala-1:00 ng madaling araw ng Hulyo 11, at inaasahang maaapektuhan nito ang bahagi ng GSIS Road mula sa Jenny’s Avenue hanggang Manggahan West Bank Road.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw hanggang alas-4:30 naman ng madaling araw ng Hulyo 11, inaasahang isasagawa ang reconstruction ng mga pasilidad sa Country Side Avenue sa Barangay Sta. Lucia.

Samantala, sa Quezon City, magkakaroon ng replacement o pagpapalit ng mga nabubulok na poste at line reconductoring works sa Irid Street, Barangay San Martin de Porres, sa Cubao, Quezon City mula alas-11:30 ng gabi ng Hulyo 9 hanggang 4:30 ng madaling araw ng Hulyo 10.

Sa Taguig City naman, isasaayos ang humilig na poste sa Mahogany Place Subdivision Phase 1, Barangay Bambang, na inaasahang makakaapekto sa suplay ng kuryente mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa Hulyo 11 sa bahagi ng Hermosa Street mula La Habla Street, kasama ang Monterey, Cerritos at Lomita Streets.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa abalang maaaring idulot ng kanilang maintenance works.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment