MODIFIED CHECKPOINTS IKAKASA NG JTF COVID SHIELD

PAIIRALIN ng Joint Task Force COVID Shield sa Metro Manila at urban areas sa buong bansa ang modified checkpoints kaugnay na rin ng pagdagsa ng mga motorista bunsod ng partial re-opening ng ekonomiya kasunod ng bahagyang pagluluwag sa pinaiiral na coronavirus lockdown.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang nasabing hakbangin ay upang maiwasan ang dambuhalang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga Quarantine Control Points (QCPs) lalo na sa mga lugar na pinapayagan nang makalabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay kasunod ng pagbabawas ng mga restriction sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ng general community quarantine (GCQ).

“With the downgrading of Community Quarantine status in almost all areas in the country, there is a significant increase of motor vehicles everywhere. There are times where we cannot check all vehicles passing thru our fixed checkpoints since this could create monstrous traffic congestion, which will defeat the purpose of partially reopening the economy,” paliwanag pa ni PLt. Gen. Eleazar.

Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 4,000 QCPs sa buong bansa na naatasang kontrolin ang galaw ng mga tao bunsod ng nananatiling banta ng coronavirus diseas.

Paliwanag pa ni PLt. Gen. Eleazar, ang modified checkpoints ay may layunin na pagandahin ang galaw ng mga sasakyang papasok sa Metro Manila at iba pang urban areas kung saan naroon ang mga negosyo na pinayagan na muling makapag-operate.

Sa ilalim ng modified checkpoint, patuloy pa ring rerekisahin ng mga pulis at sundalo na nagbabantay sa QCPs ang sakay ng mga behikulo kung sila ay Authorized Person Outside Residence (APOR), sumusunod sa physical distancing at may suot na face masks. JESSE KABEL

Related posts

Leave a Comment