MURANG KURYENTE POSIBLE SA NUKLEYAR

0

NELSON S. BADILLA

HINILING ng Department of Energy (DOE) kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2018 na maglabas ng kautusan hinggil sa pagiging handa ng bansa sa planta nukleyar bilang “source” ng kuryente.

Ayon kay Asec. Gerardo Erguiza, napakalaki ng maitutulong ng nukleyar upang maging “mura” ang buwanang singil sa paggamit ng kuryenteng mula sa “maaasahang” pinagkukunan nito.

“With the need for cheaper, reliable power, nuclear is ideal,” diin ni Erguiza noong Mayo 2018. “It’s a template in successful economies,” pagtitiyak ng opisyal.

Sa kasalukuyan, “coal” ang pinanggagalingan ng kuryente ng mga negosyante at pangkaraniwang mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang coal ay produkto ng mga naglalakihang mining companies.

Kumbinsido ang DOE na magiging mura at maaasahan ang kuryenteng kinuha mula sa nukleyar kaysa uling.

Ang Pilipinas ay mayroong 621-megawatt Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan.

Noong 1976, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapagawa ng BNPP na ang layunin ay magkaroon ng tuluy-tuloy at maaasahang source ng kuryente.

Ibinatay ni Marcos ang kanyang desisyon sa madalas na pagkakaroon ng “energy crisis” Sa Pilipinas tuwing nag-aaway at nagkakagulo ang mga bansa sa Middle East (ME) dahil sa produksiyon ng langis na kailangan ng mundo.

Kapag sumiklab ang away ng mga bansa sa ME, siguradong tataas ang bayarin sa kuryente dahil limitado ang pinagkukunan ng kuryente ng Pilipinas noon.

Natapos ang BNPP noong 1984, ngunit hindi itinuloy ang paggamit nito kahit noon pang Pebrero 1986 wala sa estado poder si Marcos.

Hindi sinira ang BNPP ngunit, tinutustusan ito ng pamahalaan upang matiyak na maayos at maaasahan pa rin ito.

Noong 2018, P32 milyon ang nakalaang pondo para sa pagmimintina sa BNPP.

Ngayong Hulyo 2020, naglabas ng Executive Order (EO) si Duterte na nag-uutos na magbuo ng ahensiyang magsasagawa ng masusi at komprehensibong pag-aaral ukol sa nukleyar upang malaman kung totoong maaasahan at magiging mura ang buwanang singil sa kuryente. Pangungunahan ng DOE ang pag-aaral.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment