MVP, IBA PANG OLIGARCH IPATATAWAG SA KAMARA P95-B ATRASO SA PSALM IPALIWANAG

supremecourt

IPATATAWAG ng House committee on public account na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga negosyante sa sektor ng enerhiya tulad ni
Manny V. Pangilinan para pagpaliwanagin sa kanilang mga atraso sa gobyerno.

Ang aksyon na ito sa Kamara ay dahil sa hindi katanggap-tanggap na imbes bayaran ng mga oligarko ang utang mga ito sa gobyerno partikular na sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ay tumakbo ang mga ito sa Korte Suprema.

“Ipatatawag natin sila rito,” ani Defensor, na ang tinutukoy ay ang malalaking negosyante sa power industry na may utang pa sa PSALM tulad ng Northern Renewable Generation Corporation na may P4.9 Billion atraso sa PSALM; FDC Misamis Power Corporation, P2.6 Billion; FDC Utilities, Inc., P1.1 Billion at Good Friends Hydro Resources Corporation, P1.2 Billion.

Sa pagdinig ng komite ni Defensor katuwang ang House committee on good government, natuklasan ng mga ito na umaabot sa P95 Billion pa ang hindi nasisingil ng PSALM sa mga private company na nakabili ng assets ng National Power Corporation (Napocor) matapos maging batas ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Kasama sa mga hindi umano nagbabayad ng dating utang sa Napocor ang ilang electric cooperative kaya umaabot sa P95 Billion ang hindi pa nasisingil ng PSALM gayung hanggang 2026 na lamang ang buhay ng mga ito.

Ayon kay Defensor, kailangang masingil ang mga negosyanteng ito bago mapaso ang PSALM dahil kapag hindi ay lalong mahihirapan ang gobyerno na singilin ang mga ito. BERNARD TAGUINOD

61

Related posts

Leave a Comment