NAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M

votebuying14

(NI JG TUMBADO)

UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon.

Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame.
Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad.

Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot sa halos P8 milyon ang nakumpiska.

Sinundan ito ng region 10 na umabot naman sa mahigit na P1.1 milyon, NCRPO na umabot sa P500,000, Region 5 na P449 milyon at Region 4A na mahigit sa P400,000. Patuloy pa rin ang isinasagawang validation ng PNP sa isinagawang  operasyon.

Inihahanda na rin ng PNP ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga naaresto na sangkot sa vote buying.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment