NATIONWIDE LOCKDOWN FAKE NEWS – SEC. PANELO

FAKE NEWS!

Ito ang nagkaisang pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan sa kumalat na balitang magpapatupad ng nationwide lockdown dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, isa itong fake news at fake information.

“Absolutely not true. Stop believing false news and information,” diing pahayag ni Sec. Panelo.

Sinegundahan naman ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabing fake news ang kumalat na balita.

At para naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang mga nagpapakalat aniya ng fake news ay dapat lamang na i-disinfect ang kanilang mga sarili.

“They are now moving faster than the virus itself,” ani ES Medialdea.

Para naman kay Senador Bong Go, isang “classic example again of fake news” ang lumabas na balita.

Batay sa mga kumalakat na dokumento na may kalakip pang proclamation order na pirmado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ay mag-aanunsyo ang Malakanyang ng nationwide lockdown.

Sasakupin di umano ng lockdown ang lahat ng wet markets at irarasyon na lamang ang pagkain sa bahay-bahay kada ikatlong araw.

Subalit, ayon sa Malakanyang sa ngayon mananatili ang pag-iral ng enhanced community lockdown sa Luzon. CHRISTIAN DALE
56

Related posts

Leave a Comment