OCD OUT, DILG IN SA CONTACT TRACING KONTRA COVID-19

PANGUNGUNAHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang contact tracing efforts laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na napagdesisyunan ng IATF na ang DILG na ang mangunguna sa contact-tracing efforts na naunang ipinagkatiwala sa Office of Civil Defense (OCD).

“Kahapon po nadesisyunan po ng IATF [Inter-Agency Task Force] na ang DILG na po, sa tulong ng ating mga LGU [local government units], ang mangunguna sa contact-tracing efforts,” ayon kay CabSec Nograles.

Ang contact tracing ay hakbang para ma-identify ang mga taong na-exposed sa COVID-19 patient.

Ang DILG ay inatasan na pumasok sa data-sharing agreement sa Department of Health (DOH) alinsunod sa Data Privacy Act.

Kamakailan ay inamiyendahan ng IATF ang IATF Resolution No. 22, na naunang nagtalaga sa OCD sa contact tracing efforts.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 25, ang task force “adopts a national-government-enabled, LGU-led, and people-centered response to the COVID-19 health event.”

Ayon kay CabSec Nograles, ang mga pasyenteng na-diagnose na may COVID-19 ay kailangan na ihayag ang kanilang personal information upang palakasin ang pagsisikap ng gobyerno sa paghahanap ng mga taong nagkaroon ng contact sa carriers ng nasabing sakit.

Ang mga lalabag sa kautusan ng gobyerno ay sasampahan ng kaukulang kaso at pagmumultahin.

“Republic Act No. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act makes it obligatory to report medical conditions that are of public health concern,” ayon sa ulat. CHRISTIAN DALE

64

Related posts

Leave a Comment