OPERATOR NG NANAGASANG JEEPNEY SA MAKATI, SINUSPINDE

JEEPNEY

NAGLABAS na ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng jeep na sangkot sa pag-araro sa mga estudyante habang tumatawid sa pedestrian lane sa JP Rizal sa lungsod ng Makati.

Ayon sa LTFRB, sakop ng preventive suspension order ang lahat ng unit ng jeep na nasa ilalim ng pangangasiwa ng operator.

Matatandaan na isang grade 8 student ang nasawi sa nasabing insidente habang nasa pitong iba pang mag-aaral ang malubhang nasugatan habang tumatawid ang mga ito sa pedestrian lane.

Kaagad namang dinala sa presinto at ikinulong ang driver ng jeep na si Crisalde Tamparong na napag-alamang nakagamit ng ilegal na droga sa mga sandaling iyon. Wala rin umano itong lisensya. JG TUMBADO

 

68

Related posts

Leave a Comment