OSPITAL SA MGA OFW ITATAYO NI DU30

duterte32

(NI BETH JULIAN)

DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na malikha ang Department of OFW para hindi na naloloko at nabibiktima ang mga kababayang Filipino ng mga illegal recruiter.

Bukod dito, ipinangako rin ng Pangulo sa mga OFW at sa mga pamilya ng mga ito ang pagkakaroon ng sariling ospital sa sandaling nalikha na ang Department of OFW na target nitong mailunsad sa December.

Magtatalaga ng babaeng police attache sa mga bansa na maraming OFW ang Pangulo sakaling maipatupad na ang ahensya.

Ang mga babaeng police attache ang magpaparating sa Pilipinas ng mga concerns ng mga OFW na nagkakaroon ng problema sa ibang bansa.

Inalok din ng Pangulo ang mga OFW na magsanay sa TESDA para magkaroon sila ng  hanapbuhay sa Pilipinas.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment