P1.8-B SHABU NASABAT SA MANILA PORT

port area12

UMAABOT sa P1.8 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Port, Biyernes ng gabi.

Sinabi ni PDEA chief Director General Aaron Aquino na nasa 276 kilo ng shabu ang naharang ng awtoridad.

Nabatid na inalerto si Aquino ng kanilang counterparts sa Vietnam hinggil sa kontrabando na sakay ng Callo Bridge mula Ho Chi Minh City.

Ang cargo ay naka-consign umano sa Wealth Lotus Empire Corporation.

Ang kontrabando ay maingat na nakabalot sa Chinese tea wrapper na katulad ng nakumpiska ng Vietnamese authorities noong Marso 20.

Sa buy bust operation sa Ho Chi Minh City, nakakuha ang Vietnamese authorities ng may 300 kilo ng shabu sa drug ring na pinatatakbo ng Chinese nationals na ang front ng negosyo ay pabrika ng tela.

Ang droga ay nakatago sa isang 40-foot container van na idineklarang plastic resin.

Nauna nang binigyan ng intel report ang Customs Intelligence and Investigation Service na mayroong kontrabandong sakay ng naturang barko na dumating sa Manila North Harbor noong Marso 17.

Agad namang inatasan ni Manila International Container Port District Collector Erastus Sandino Austria ang pag-eksamin ng kargamento sa harap ng PDEA at kinatawan ng Philippine Coast Guard.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment