P100 BILLION GUGUGULIN SA TAAL REHAB

Joey Salceda

TINATAYA ni House committee on ways and means Chairman Joey Salceda na aabot ng P60 hanggang P100 Billion ang magagastos sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa aide memoire na isinumite ni Salceda kina House Speaker Alan Peter Cayetano at House majority leader Ferdinand Martin Romualdez, sinabi nito na kailangang maghanda ang Kongreso para sa supplemental funds para sa Taal Eruption Recovery Rehabiliation and Adaptation Plan o TERRA Plan.

Kabilang sa TERRA ang pagtatatag ng reconstruction commission na ang pangunahing tungkulin ay para maibangon sa lalong madaling panahon ang mga lugar sa Batangas na labis na sinalanta ng Taal volcano.

Sinabi ng mambabatas na ang mga apektadong lugar na nasa loob ng 9 congressional district sa Region III, IV-A at National Capital region na direktang maaapektuhan sa pagbabago ng bulkang Taal ay 64% ang kontribusyon sa GDP o Gross Domestic Product.

Iginiit din ng mambabatas na kailangan nang maipasa ang Department of Disaster Resilience (DDR) upang magkaroon ng isang ahensya na tutugon sa ganitong problema sa hinaharap. (BERNARD TAGUINOD)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment