P4.5-T 2021 BUDGET BILL INAPRUBAHAN NG SENADO

0

INAPRUBAHAN ng Senado ang House Bill No. 7727 o ang panukalang P4.5 trilyong pambansang badyet para sa 2021 sa botong 22 pabor at walang negatibo at abstention sa ginanap na hybrid session nitong Huwebes.

Sa pahayag, nagpasalamat si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, sa lider at kasamahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at nananatili sa schedule upang maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng mga hamon tulad ng bagyo, baha, power outages at pandemya.

Kinilala naman ni Angara ang amendments na inihain ng kasamahan upang mapatibay ang pagtugon sa COVID-19.

“We acknowledged the amendments introduced by his colleagues to the budget bill, which will, among others, strengthen the COVID-19 response, provide assistance to victims of calamities and resuscitate the economy,”ayon kay Angara.

Pinasalamatan din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Senate President Vicente Sotto III sa pagpasa ng panukalang national badyet sa kasipagan nito dahil palaging nasa Senado anomang oras ang simula ang deliberasyon.

Sa kanyang panig, pinapurihan naman ni Senador Joel Villanueva si Senador Sonny Angara sa kasipagan at pagkilos upang tuloy-tuloy ang deliberasyon sa national budget. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment