P4-K AYUDA SA MGA TSUPER NATANGGAP NA SA TAGUIG

NAGSIMULA nang makatanggap nitong Huwebes ng P4,000 na tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang ayuda ng pamahalaan.

Unang nabigyan ang halos 700 kasapi ng SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA and MPC, at CBDCUBTODA.

Ang natitirang mga miyembro ay inaasahang makatatanggap din ng P4,000 sa susunod na mga araw.

Mahigit 15,000 miyembro ng mga asosasyon ng traysikel opereytor at drayber (TODA), jeepney opereytor at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod.

Sa susunod na buwan, mamimigay uli ng karagdagang P4,000.

Inaasahang makasasapat ang nasabing halaga sa mga pangunahing gastusin ng pamilya sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Hiwalay ito sa food packs na nauna nang ipinamahagi ng lungsod ng Taguig.

“Laking pasalamat namin sa tulong na ito mula sa Taguig City government. Malaking bagay dahil hindi lang isang buwan kundi dalawang buwan matutulungan kami at ang aming mga pamilya,” saad ni Arvin Penolio na presidente ng UBTODAI.

Bukod sa tulong pinansiyal, tumutulong din ang transport sector sa pagdisinfect ng mga pamayanang sakop ng kanilang ruta, gamit ang sprayers na ibinigay ng pamahalaang lungsod.

Nakapagbigay na rin ang lungsod ng mga stay-at-home family food packs at anti-COVID 19 kits sa komunidad. JESSE KABEL

58

Related posts

Leave a Comment