P921-M KONTRATA NG PNR SA CHINESE FIRM, INATRAS

0

INATRAS ng Philippine National Railways (PNR) ang P921 milyong kontrata sa isang kumpanya sa China dahil sa paglabag nito sa Procurement Law.

Hindi itutuloy ng PNR ang proyekto sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd. matapos pagsabihan ng Commission on Audit (COA) ang nabanggit na ahensiya ng gobyerno na kulang ang ipinasang mga rekesito ng Chinese firm sa naganap na bidding noong 2019.

Nanalo ang CRRC Zhuzhou at ibinigay ng PNR ang P921 milyong kontrata para sa pagbili ng bagong “gauge diesel multiple unit” ng mga tren na gagamitin sa biyahe sa Bicol kahit kulang ang mga dokumento ng nasabing kumpanya.

Kinumpirma rin ni PNR General Manager Junn Magno na nagdesisyon ang PNR Board of Directors na kanselahin ang kontrata.

“We are in cancellation proceedings with CRRC and we will rebid the project,” ayon kay Magno.

Magsasagawa muli ng bidding ang PNR para sa proyekto.

Nakasaad sa Procurement Law na kailangang kumpleto ang mga dokumento at mga rekesito ng mga kumpanyang lalahok sa subasta para sa mga proyekto ng pamahalaan.
(MARINHEL T. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment