‘PADULAS’ KAPALIT NG SERBISYO ‘DI DAPAT – PANELO

panelo55

(NI BETH JULIAN)

MALAKI ang pagkakaiba ng ‘padulas’ sa ‘expression of gratitude’.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang masama kung tumanggap ng regalo ang mga pulis sa mula sa kanilang natutulungan.

Gayunman, nanindigan ang Malacanang na hindi nito kinukunsinti ang ‘padulas’

sa lahat ng ahensya ng pamahalaan dahil ang nasabing gawain ay nasa kategorya ng corruption na posibleng maging kagawian na kung saan pinangangambahan na mangyari na kikilos lamang ang mga taong gobyerno kapag may kapalit o bigay.

Pero nilinaw ni Panelo na iba naman ang kusang-loob na nagbibigay ng regalo dahil sa nagustuhang serbisyo ng isang kawani ng pamahalaan.

“Walang masama dito lalo’t bahagi ng kultura ng mga Filipino na tumanaw ng utang na loob sa isang nakagawa ng mabuti sa kapwa pero hindi naman dapat na ito ay madalas pairalin,” pahayag pa ni Panelo.

 

85

Related posts

Leave a Comment