PAGBABAGO NG KONSTITUSYON MALAKING HAMON

congress12
0

(NI NOEL ABUEL)

MALAKING hamon para sa Senado at Kamara kung maipapasa ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson,  hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napagdedesisyunan kung Constitutional Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon) ang gagamitin para sa Charter Change.

“Walang napalitan sa situation dahil unang-una, hindi papayag ang Senate na mag-constitute kami into a Constituent Assembly hanggang hindi malinaw. Ang tanong, sino maglilinaw? Kung papasok kami sa isang kasunduan sa kanila by way of say a joint resolution magkakaroon ng course of action so mati-trigger ang Supreme Court na mag-render ng decision. So ‘yan ang iniiwasan namin. So parang chicken-and-egg situation ito,” paliwanag ni Lacson.

“Anong uunahan natin, interpretation ng SC kung voting separately or voting jointly? Kung di malinaw at napasok kami sa situation di na kami makakaatras,” aniya pa.

Bagama’t hindi naman aniya sinasabing wala nang pag-asa na maamyedahan ang Konstitusyon ay marami pa rin umanong dapat na isaalang-alang.

“Di ko sinasabing walang pag-asa pero walang nagpalit. Maski ang presumptive Speaker nanggaling sa Senado at maski anong commitment ang ibigay sa amin ng HOR na voting separately, anong panghahawakan namin? ‘Yan ang problema,” paliwanag pa ng senador.

 

Related posts

Leave a Comment