PAGBASURA SA VFA BINAWI NG PALASYO

0

IPINALIWANAG ng Malakanyang na ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bawiin ang pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement (VFA) ay base sa pinanindigang PH strategic core interests.

“PRRD’s decision to recall the abrogation of VFA is based on upholding PH strategic core interests, the clear definition of PH-US alliance as one between sovereign equals, and clarity of US position on its obligations and commitments under Mutual Defense Treaty (MDT),” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“PH will, however, continue to engage other countries for partnerships that work, based on our core national interests,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbawi sa pagwawakas ng VFA sa Estados Unidos.

“The President decided to recall or retract the termination letter for the VFA,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang anunsyong ito ni Lorenzana ay matapos bisitahin ni US Defense Secretary Lloyd J. Austin III si Pangulong Duterte sa Malakanyang.

Para naman kay Austin, sinabi nito na “on behalf of the United States,” masaya ito sa naging desisyon ng pangulo “to fully restore the VFA.”

“A strong, resilient US-Philippine alliance will remain vital to the security, stability, and prosperity of the Indo-Pacific. A fully restored VFA will help us achieve that goals together,” ani Austin.

Bukod sa isyu ng VFA ay natalakay rin sa ginanap na bilateral meeting ang mga isyu hinggil sa pagpapalakas sa security ties at defense cooperation ng dalawang bansa, mga kaganapan sa South China Sea (SCS) at Indo-Pacific region at maging ang giyera laban sa COVID-19.

Magugunitang bahagyang nayanig ang relasyon ng US at Pilipinas sa kautusan ng pangulo na wakasan ang VFA, sa gitna na rin ng umiinit na tension sa West Philippine Sea bunsod ng agresibong pag-angkin ng China sa ilang teritoryo na inaangkin din ng ilang bansa sa Asya.

Nakapaloob sa VFA na nilagdaan nuong 1998, ang mga gabay at alituntunin na sinusunod hinggil presensiya ng libo-libong US troops sa bansa na pumapasok at lumalabas para sa war drills and exercises, bukod dito, nakadepende rin sa VFA ang ilang military agreements.

Nitong Huwebes ay sinabi ng Malakanyang na tinanggap ni Pangulong Duterte si Austin ilang oras matapos itong dumating sa Maynila para ipagdiwang ng dalawang bansa ang 75-year-old diplomatic ties at 70 taon ng Mutual Defense Treaty.

Sa kabilang dako, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos sa tulong nito sa Pilipinas para sa COVID-19 pandemic, lalo na ang naging kontribusyon ng COVAX facility, kung saan nakatanggap ang Pilipinas ng mahigit sa 3 milyong doses ng anti-COVID-19 vaccines.

Nagpahayag naman si Austin ng malaking paggalang sa mga Filipino.

Aniya, nakahanap ang Estados Unidos ng “strong relationship” sa Pilipinas bilang “equal sovereign partner.”

Si Austin, nasa official visit sa Maynila hanggang Hulyo 30 (kahapon), ay nakatakdang makipagpulong kina Philippine counterpart, Defense Chief Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. (CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment