PAGCOR SA POGO HUB KINAMPIHAN SA KAMARA

pogohub33

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magkaroon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub upang masiguro na walang Chinese nationals na nagtatrabaho ng iligal.

Ginawa ng mga kinatawan ng ACT-CIS party-list group na sina Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Jocelyn Tulfo ang nasabing pahayag sa gitna ng kontrobersya sa POGO na pinatatakbo ng mga Chinese nationals.

Base sa mga ulat, nais ng PAGCOR na ilagay lang sa isang lugar ang POGO hindi tulad ngayon na kalat-kalat ang mga ito sa Metro Manila.

“This way, the government can further prevent the entries of illegal Chinese workers in the country,” ani Taduran lalo na’t pinaghihinalaan na maraming POGO workers ang ilegal na nagtatrabaho sa nasabing on-line gaming.

Maliban ito, madali na umanong mamomonitor ang operasyon at aktibidad  ng mga POGO dahil magkakaroon na ng kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Immigration (BI) at  Department of Labor and Employment (DOLE) sa POGO Hub.

Subalit ayon kay Taduran, kapag matiyak na pawang mga legal ang pagtatrabaho ng mga Chinese nationals sa POGO hub ay hindi umano dapat kontrolin ang kilos ng mga ito hangga’t walang nilalabag na batas ng Pilipinas ang mga ito.

“If these Chinese workers complies with all the legal documents, they can freely work in the country,” ani Taduran na inayunan naman ni Yap, chair ng House committee on games and amusement.

Samantala, nakatakdang magsagawa si Yap ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naging dahilan kung bakit sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lotto at iba ang numbers game ng ilang araw kamakailan.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment