Pagdepensa sa mga komunistang grupo, kinuwestyon HONTIVEROS PROTEKTOR NG CPP/NPA/NDFP?

0

NELSON S. BADILLA

MISTULANG kinampihan ni Senadora Risa Hontiveros ang mga kongresista at makakaliwang organisasyong inuugnay sa Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDFP) makaraang banatan niya ang ginawa umanong “red-tagging” ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. laban sa tatlong kababaihan.

Sa kanyang panimulang pahayag sa pagdinig ng Senado tungkol sa red-tagging, idiniin ni Hontiveros na “Nagpapakita ng kamulatan, critical thinking at pakikipag-kapwa tao sina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin, ano ang sinusukli sa kanila? Red-tagging at mayroon pang kasamang death threat. I cannot begin to imagine the anguish and emotional toll this must have taken on these women who have been directly-hit by these accusations, as well as their families”.

Ang tinutukoy ng mambabatas ay tungkol sa pahayag ni Parlade na may kaugnayan sa CPP/NPA/NDFP ang Gabriela makaraang magbigay sina Soberano, Gray at Locsin ng kani-kanilang pananaw sa karapatang pantao ng kababaihan.

Hindi sinabi ni Parlade na mga kasapi , o may kaugnayan sina Soberano, Gray at Locsin sa CPP/NPA/NDFP.

Ipinunto rin ni Parlade na mayroong mga sumasapi sa Gabriela at iba pang kaliwang organisasyon na nagiging miyembro ng NPA at namamatay sa engkuwentro sa mga sundalo.

Ngunit, hindi binalaan at tinakot ni Parlade sina Soberano, Gray at Locsin na sila ay papatayin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ani Hontiveros: “I am certain that it also caused a chilling effect on citizens who only want to weigh in on issues of national importance and hold government to account for its failures to the people. Free speech is essential to democracy and nation-building. It should not be suppressed, and least of all by red-tagging”.

Lumakas pa ang pagdududa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ‘pinanigan’ at ‘binigyan pa ng proteksyon’ ni Hontiveros ang CPP/NPA/NDFP nang ideklara niyang “equally disturbing” ang P16 bilyong pondo ng nasabing ahensiya para sa 2021.

“This is a considerable amount of money,” birada ng senadorang kasapi ng Akbayan Citizens’ Action party-list.

Si Hontiveros ay nanalong senador noong 2016 bilang bahagi ng Liberal Party (LP).

Ang LP at Akbayan ay mga partidong kalaban ng administrasyong Duterte.

“[O]ur officials are spending an inordinate amount of time running after ordinary citizens using the communist bogeyman…. Is this not a more imminent and more compelling threat? Todo naka-focus sa CPP at sa NPA – the remnants of an insurgency facing imminent defeat in the battlefield – pero walang angal na papasukin sa ating bansa ang isang dayuhan[g] bayan (China)”, patuloy ni Hontiveros.

Aniya, “The issues of the communist insurgency are not new to me. My party Akbayan historically has called for human rights accountability also of non-state actors, at kasama dito ang NPA. I will not hesitate to speak against the violations of the NPA as I have done”.

“But I will not sit idly in the face of red-tagging and scare tactics by uniformed agents of the state. Especially when they are perpetrated against ordinary civilians, including women. And especially when there is a bigger enemy that is not being confronted,” paniniyak ni Hontiveros.

Ngunit, tahasang pinuna ni Hontiveros ang pagpapakita ni Interior Secretary Eduardo Año ng video hinggil sa kabataang napatay dahil sa armadong pakikibaka na isinusulong ng CPP/NPA/NDFP.

Ayon kay Angie Miranda ng NTF – ELCAC, hindi dapat balewalain ang video na naglalarawan ng walang saysay na pagkamatay ng kabataan bilang mga komunista.

Ani Miranda, “These were kids who had made the fatal mistake of joining the front organizations of the CPP NPA NDF like GABRIELA, CEGP, LFS, ANAKBAYAN, IBON, etc—and then ended up dead as NPAs. These were photos that, on so many occasions in our meetings at the NTFLECAC, reduced so many of us—men and women—to tears. And we don’t flinch and look away at the photos of our children cradling M16s in their lifeless bodies, their eyes forever closed. And I suspect the reason I have for not looking away is the same for my colleagues at the NTF ELCAC, Madame Senator”.

“We don’t look away because we bear witness to the unspeakable crimes done on our children. Children we birthed. Whose bodies we not only housed but their hearts, minds and souls as well so that they grow up noble, pure, full of love and light. And at the NTF ELCAC, we know how SATUR OCAMPO, ARLENE BROSAS, SARAH ELAGO, CARLOS ZARATE, EUFEMIA CULLAMAT, FERDINAND GAITE, FRANCE CASTRO, TEDDY CASINO, CAROL ARAULLO, NERI COLMENARES AND THE FRONT ORGANIZATIONS THEY REPRESENT ARE PREDATORS WHO LIE IN WAIT, READY TO STEAL OUR CHILDREN FROM US AT ANY MOMENT. How their dreams have been stolen from them and how their pure hearts have been ripped out of their chests and corrupted with hate and lies by the CPP NPA NDF”, patuloy niya.

Hinamon ni Miranda si Hontiveros na huwag takasan ang buhay ng kabataang napatay.

Sinabi rin niya na totoong hindi magagandang litrato ang mga namatay na kabataan, ngunit iginiit sa mambabatas na maraming kabataang namatay bilang mga kasapi ng NPA sa 52-taong giyera ng komunista.

“There is a 52 year old war we wage that has stolen so many precious things from us—foremost of which is our children. And I’m thinking—if you’re going to speak up in defense of children who are now dead and cannot speak for themselves, would it not be better for you to speak up against the very reason they are dead and cannot speak for themselves rather than of photos of these children that offend your finer sensibilities? In other words, there is something terribly wrong when we speak up against images of dead children being shown and remain silent over what led to their tragic and horrible deaths. And I didn’t hear you speak a word against the deceptive recruitment of the CPP NPA NDF front organizations that were mentioned in Sec. Año’s presentation: GABRIELA, LFS, ANAKBAYAN, CEGP, IBON—that brought on the early and violent demise of our children, Madame Senator,” paliwanag ni Miranda.

Nagsimula ang armadong pakikibakang pinamumunuan ng CPP noong Disyembre 1968 nang itatag ang partido komunista sa pangunguna ni Jose Ma. Sison.

Si Sison ay tinanggal sa Partido Komunista ng Pilipinas – 1930 (PKP – 1930) dahil umano sa pagiging taksil nito sa samahan.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment