PAGLUSAW SA PHILHEALTH, TINUTULAN

0

MALI ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na lusawin o isapribado, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa garapalang korapsyon.

Pananaw ito ng Nagkaisa Labor Coalition, ang pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa maraming panig ng bansa, dahil idiniin ng pangulo nito na si Atty.

Jose Sonny Matula na hindi PhilHealth ang gumawa ng korapsyon, kundi ang mga opisyal dito.

Ani Matula, ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon at pandarambong ang dapat parusahan at hindi ang mismong PhilHealth.

Ang pahayag ng Nagkaisa ay reaksyon sa pasya ni Duterte na lusawin o ibenta sa mga kapitalista, ang PhilHealth dahil sa garapalang korapsyon at pandarambong sa kabila na inilagay niya ang retiradong heneral na si Ricardo Morales.

Wala na si Morales sa PhilHealth ngunit patuloy pa ring nabubunyag sa media ang iba pang porma ng korapsyon sa nasabing ahensiya

Idiniin ni Matula na ang solusyon ni Duterte ay desisyon ng isang “quack doctor.”

Ipinaliwanag ng lider-manggagawa na pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) na ang pribatisasyon ng isa sa mga institusyong gumagastos sa mga bayarin ng mga mayroong sakit ay “cure worse than the disease.”

“Privatizing PhilHealth, or worse, dissolving it, based on allegations of massive corruption is not the solution.

If privatization is the most sensible argument against corruption, incompetence, and patronage system in state bureaucracy, then most, if not all public institutions and government offices, should have been privatized or dissolved a long time ago.

The solution to the current mess in PhilHealth is to thoroughly investigate allegations of massive and systemic corruption and hold both the appointees and the appointing powers accountable,” patuloy ni Matula.

Patuloy ding nag-iimbestiga ang Task Force PhilHealth sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng state health insurer. (NELSON S. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment