PAGPASA SA 3 ECO BILLS PINABIBILISAN

MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mababang kapulungan ng Kongreso na bilisan ang pagpapasa ng tatlong economic bills na magpapaluwag sa restriksyon sa foreign investors at maging batas sa tax reform.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa idinaos na Ceremonial Re-Enactment of the Signing of Bills, araw ng Miyerkoles sa Malacañang Palace, binigyang diin nito ang pangangailangan na magsagawa pa ng mas maraming konkretong hakbang na makatutulong na buhayin ang “badly-hit economy.”

“I ask Congress to act on these legislative measures, so that they can be sent back to the desk for signature at the earliest possible time,” ayon sa pangulo.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang Retail Trade Liberalization Act, ang Foreign Investments Act, at ang Public Service Act, na nauna na niyang sinertipikahan bilang urgent.

Sa pagpapaluwag ng mga panuntunan ukol sa foreign businesses para makapanghikayat pa ng mas maraming investors, sinabi ng pamahalaan na ang agarang pagpapasa ng measures o panukalang batas na ito ay makatutulong upang muling sumigla ang economic growth at mabigyan ng mas maraming job opportunities ang mga Filipino.

Hiniling din ng Chief Executive sa Kongreso na bigyang prayoridad ang huling dalawang packages ng Comprehensive Tax Reform Program: ang Valuation Reform Act (VRA) at ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA). (CHRISTIAN DALE)

85

Related posts

Leave a Comment