PAGTAKBONG VP ‘NOT BAD IDEA’ KAY DUTERTE

0

(CHRISTIAN DALE)

MALAKI ang posibilidad na ang “unfinished business” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng kanyang six-year term bilang halal na pangulo ng bansa ang mag-udyok dito para sumabak siya sa vice presidential race sa 2022 national elections.

Ito’y matapos na magpahayag si Pangulong Duterte na bukas siya sa ideya na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa sa halalan sa susunod na taon.

Ani Sec. Roque, ang “unsolved drug problem at corruption” sa pamahalaan ang ilan lamang sa mga dahilan para makumbinsi ang chief executive na sundin ang panawagan ng publiko na sumabak siya sa halalan sa susunod na taon.

“Meron po siyang unfinished business pagdating po sa droga, pagdating po sa korapsyon,” ayon kay Sec. Roque.

Ani Sec. Roque, naniniwala kasi si Pangulong Duterte na hindi naman “bad idea” na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo.

Magkagayon man, ang pagtakbo ng pangulo sa vice presidential bid ay depende sa panawagan na tumakbo siya sa sa pagka-pangalawang pangulo.

“Ang sinabi naman niya eh kinukonsidera niyang tumakbo only if there is space for him. Kung wala naman po eh okay din naman po,” ayon sa kalihim.

Ang desisyon aniya ni Pangulong Duterte ay depende sa presidential candidate na susuportahan niya sa susunod na eleksyon.

“Ang isang nakikita niyang problema kung siya ba ay tatakbo ng VP ay baka kontra-partido sila ng presidente at hindi rin niya magagawa ‘yung unfinished business niya,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Matatandaang, noong Mayo 31 ay may nabuong resolusyon ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, na hinihikayat si Pangulong Duterte na sumabak sa 2022 vice presidential derby at malaya itong makapamili ng standard bearer ng partido sa 2022 national elections.

Bakuna bago pulitika

ITO ang tugon ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa pagsusulong ng kanilang kapartido sa Go-Duterte tandem sa 2022 elections.

Sinabi ni Go na sa ngayon, nakatutok siya sa pagseserbisyo at pagtugon sa pandemya dahil kung hindi matutugunan ito, baka wala nang pulitikang pag-usapan.

Ayon kay Go, nasabihan na niya si Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag na muna siyang isama sa usapin at sa halip ay unahin na lang ang mga interesadong kapartido.

Binigyang-diin ni Go na sa ngayon ay hindi siya interesado dahil mas maraming bagay ang dapat unahin tulad ng pagtiyak na mabakunahan ang lahat ng mga Filipino para makamit ang herd immunity sa COVID-19. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment