PAGTATAYO NG BASE CAMP NG ISIS MINOMONITOR

isis123

(NI BETH JULIAN)

ITINUTURING  ng  Malacanang na malaking bagay na hindi dapat ipagsawalang bahala ang ulat na planong gumawa ng base camp sa Pilipinas ang Islamic State of Iraq (ISIS).

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, kailangang gawan ng nararapat na aksyon ang nasabing isyu dahil nakasalalay dito ang seguridad ng bansa.

Itinuro ni Panelo sa Department of National Defense ang pagsasagawa ng nararapat na hakbang kaugnay sa nasabing balita dahil anya ito ang mayroong obligasyon na tiyakin ang seguridad ng bayan at ng bawat Filipino.

“Ang DND ang dapat na maglatag ng mga nararapat na hakbang para tugunan ang nasabing balita, ” ayon kay Panelo.

Inihayag ni Panelo na makikipag-ugnayan ang Palasyo sa DND upang alamin kung mayroon silang namonitor na ulat mula sa ibang bansa kaugnay sa pagnanais ng ISIS na magkuta sa Pilipinas.

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment