PALASYO: MAGING MAKABAGONG BAYANI

RIZAL

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino, lalo na ang mga kabataan, na maging makabagong bayani na handang ipaglaban ang kapayapaan ng bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat maging inspirasyon ng mga Filipino ang buhay at prinsipyo ni Rizal para maging bayani.

Ang pahayag ay nilabas ni Panelo bago ang paggunita ng ika-122 death anniversary ni Rizal bukas, December 30.

Ang buhay at kamatayan ng Pambansang Bayani ay isang magandang halimbawa ng isang taong nagmamahal sa sariling bansa, dagdag pa ni Panelo.

Samantala, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa kamatayan ni Rizal sa Davao City, bukas, araw ng Linggo.

 

Related posts

Leave a Comment