PALASYO PINAKIKILOS VS KORAPSYON SA PHILHEALTH

0

HINILING ni Senador Panfilo Lacson na kumilos si Pangulong Rodrigo Duterte upang magsagawa ng drastikong hakbang at malutas ang malawakang korapsiyon at mismanagement sa Philippine
Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa virtual press conference, sinabi ni Lacson na hindi na kailangan ni Pangulong Duterte na magtakda ng “blanket’ trust and confidence sa kanyang mga opisyal dahil nadidiskaril ang pondo ng
gobyerno.

Nitong Martes, iginisa ng Senate Committee of the Whole ang mga opisyal ng PhilHealth sa pamumuno ni president at CEO Ricardo Morales hinggil sa kaso ng overpricing at mismanagement
sa ahensiya kaya nawalang parang bula ang mahigit P15 bilyon sa korapsiyon.

“The fact there’s corruption going on and continues to go on sa PhilHealth e, dapat meron talagang drastic na step na gawin ang Malacañang. Di na pwede yung trust and confidence na blanket,” ayon kay Lacson sa isang online interview nitong Miyerkoles.

Tinutukoy ni Lacson ang patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa ng Pangulo kina Morales at Health Secretary Francisco Duque III, sa kabila ng sunod-sunod na kapalpakan sa Department of Health (DOH) hinggil sa paglaban sa corona virus 2019 (COVID-19).

Ipinaliwanag pa niya na tanging “recommendatory” ang magiging committee report mula sa Senado.

Kaugnay nito, walang balak si Pangulong Duterte na sibakin sa pwesto si Morales maliban na lamang kung mapatutunayan na sangkot ito sa korapsyon.

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa tanong kung kailangan bang mag-leave of absence ni Morales o magbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon ng malawakang korapsyon sa
ahensiya.

“That’s really up to him. I am not in the position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there is evidence and I think the Senate now is in the process of
documenting this evidence,” ayon kay Sec. Roque.

“At the same time, there is a parallel investigation being conducted by Undersecretary [Jesus Melchor] Quitain.” Aniya pa rin sabay sabing “I think after the evidence are unearthed, the
President will move and do the correct thing.” (ESTONG REYES/CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment