PANINIKTIK NG CHINA GAMIT ANG HUAWEI, WALANG EBIDENSYA – PNP

huawei 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINAG-AARALAN na ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang babala ng Estados Unidos kaugnay sa pagiging banta sa national security  ng Huawei.

Ginawa ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac ang pahayag bilang reaksyon sa kautusan ni US President Donald Trump na ipagbawal nang tuluyan sa kanilang bansa ang nasabing kompanya dahil ginagamit na pang-espiya umano ng China.

Sa ngayon, ayon kay Banac, wala pa silang nakikitang mga balidong dahilan para sabihing nag-eespiya ang China sa Pilipinas gamit ang mga produkto ng telecom company na Huawei.

Ayaw namang magkomento ng PNP sa iringan ng Amerika at China na negosyo umano ang ugat ng kautusan ni Trump laban sa pinakamalaking supplier ng ika-limang henerasyon ng telecommunications equipment sa buong mundo.

Binigyang-diin ni Banac  na naka-sentro lamang ang kanilang validation sa national security kaugnay sa paggamit ng mga produkto ng Huawei.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment