Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 LOCALIZED LOCKDOWN PAIIRALIN PA RIN

AMINADO ang National Task Force against COVID-19 na hamon sa kanila ang mga restriction ng batas para sa tuloy-tuloy at mas madaling contact tracing sa mga nalantad sa COVID-19.

Kaya naman patuloy nilang isusulong ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay at lugar na may mga kaso ng virus infection, ayon kay National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr.

“Mayroon tayong tinatawag na rapid response, kung saan ila-lockdown natin ang isang  building, pwedeng ila-lockdown din natin yung isang block, isa o dalawang barangay. At ginagamit din natin ‘yong mga provision ng ECQ duon sa mga critical na lugar na iyon,” ani Galvez sa press briefing na pinamunuan nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon naman kay DILG Sec at NTF-COVID-19 Vice Chairman Eduardo Año, dahil sa umiiral na data privacy act, may limitasyon ang ginagawang contact tracing activity ng pamahalaan.
Kaya aniya, malaking tulong ang ipinatutupad na community quarantine para maiwasang kumalat nang husto ang infection.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Sec. Año na sa kabuuan ay nasa 96% ang contact tracing ability ng bansa, pero sa Metro Manila, 76% pa rin aniya ito, ibig sabihin, sa bawat 100 pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, 24% na iba pang may infection ang hinahanap.

Nangangahulugan aniya ito na kailangan pang pag-ibayuhin ang paghahanap sa mga taong nalantad sa virus. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment