PASTOR NAGSILBING B-DAY GIFT ANG PAGGALING SA COVID

NAKALABAS na sa pagamutan ang pastor na dinapuan ng COVID-19 sa Calamba, Laguna kaninang alas-10 ng umaga.

Ang nasabing pasyente ay na-admit noong Marso 24, 2020 sa Calamba Medical Center.

Nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 base sa resulta ng swab test noong Marso 28 bagaman wala siyang travel history abroad.

Matapos ang ilang araw na pagpapagamot sa ospital, nakauwi na ngayong araw ang pastor eksakto sa kanyang 66th birthday.

Nais niyang i-celebrate ito sa kanyang tahanan sa Brgy. Canlubang, Calamba City.

Siya rin ang kauna-unahan sa tatlong COVID Patient ng Calamba Medical Center na pinauwi ng kanyang doktor na si Dr. Pia Montecillo. CYRILL QUILO

74

Related posts

Leave a Comment