PDuterte muling inupakan ang Ayala, oligarko DRILON, YOU ARE A HYPOCRITE!

INUPAKAN sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN, mga oligarko at maging si Senate minority leader Franklin Drilon na tinawag niyang ipokrito.

Ayon kay Duterte, habang nakapokus ang gobyerno sa COVID -19 may mga nagsasamantala umano para banatan ang pamahalaan sa nasabing pandemya.

“One of them is Senator Frank Drilon,” ani Duterte dahil sa isang interview aniya, “he arrogantly mention that oligarch need not be reach” at saka umano nito isiningit ang anti-dynasty sa usapin ng mga oligarch.

“The topic was my daughter and sons” dagdag pa ni Duterte dahil ang kanyang anak na si Sarah Duterte ay mayor ng Davao City, vice mayor si Sebastian Duterte at congressman naman si Paolo Duterte.

Nangyari umano ang interview kay Drilon matapos pagbotohan ng Kamara ang prangkisa ng ABS- CBN kung saan 70 congressmen ang sumuporta na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang nasabing network kontra sa 11.

“Obviously he was defending the Lopezes that they are not oligarch,” ayon pa kay Duterte.

Bago natapos ang SONA, binalikan ni Duterte si Drilon dahil sa naging papel nito bilang kasapi sa ACCRA Law office noong mabuo ang kontrata sa mga water concessionaire na nagpahirap sa mga tao sa kasalukuyan.

“I would like to ask Drilon, were you a part of ACCRA when this contract of Ayala water was being drafted? And why are you fumigating, bakit kasi ikaw lang ang galit. Nasabi mo na, dynasty..

dynasty. You are hypocrite. You know that you cannot pass an anti-dynasty law.

Ikaw ang nandyan sa Congress, eh ikaw ang mauna dito,” ani Duterte.

“Yan ang oligarch mo Drilon,” ayon pa kay Duterte kung saan binalikan nito ang isyu sa kinokolekta ng mga water concessionaire para gamitin sa pagpapatayo ng water treatment facilities subalit walang naitayo ang mga nasabing kumpanya tulad ng Ayala na siyang may-ari ng Manila Water.

Simula aniya 1997 ay nangolekta ang mga water concessionaire subalit kahit isang gripo para sa water treatment ay hindi umano naitayo ng mga ito gayung bilyon-bilyon na ang perang nakolekta ng mga ito sa publiko.

TELCOS

Binigyan lamang ni Pangulong Duterte ang telecommunication companies na Smart at Globe ng hanggang Disyembre para ayusin at pagbutihin ang kanilang serbisyo kundi ay nominado na ipasara niya ang mga ito.

“Maghanap kayo because if you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko yan, ie-expropriate ko,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I’ll be straight. Smart pati itong Globe, ilang taon na ito? At ang sagot palagi sa akin, the party cannot be reached. E ‘di saan pala pumunta ‘yung yawa na iyon?” aniya pa rin.

Binigyang diin ng Pangulo na ubos na at umabot na sa sukdulan ang pasensiya ng mga Filipino sa mga kompanyang ito.

“And you might not want what I intend to do with you. Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem, better have that line cleared,” ayon sa Pangulo.

DEATH PENALTY

Umapela rin si Pangulong Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso na gumawa ng batas para mabitay na ang mga drug lord na patuloy na sumisira sa buhay ng mga Filipino kahit sa panahon ng pandemya.

“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crime specified under the dangerous drug act of 2002,” ani Duterte na nang mapansin na hindipumapalakpak ang mga mambabatas ay sinabihan niyang marahil ay hindi interesado ang mga ito kaya nagpalakpakan ang mga mambabatas.

May 13 panukalang batas na nakahain sa Kongreso para buhayin ang Death Penalty na ibinasura ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2005.

Gayunpaman, hindi ito inaksyunan ng House committee on justice kaya natulog ito simula noong nakaraang taon.

Ayon kay Duterte, kahit pa panahon ng pandemya ay nag-o-operate pa rin ang mga sindikato ng ilegal na droga sa bansa na hindi aniya katanggap-tanggap. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

63

Related posts

Leave a Comment