PETISYON SA SAME SEX MARRIAGE, IBINASURA NG SC

same55

(NI HARVEY  PEREZ)

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humihiling na payagan ang  same sex marriage sa Pilipinas.
Sa desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Marvic Leonen, ibinasura ang same sex petition dahil sa kakulangan ng argumento para mapangatawanan ito ng petisyuner na si Atty.  Jesus Falcis.

Lumabag din ito sa prinsipyo ng  hierarchy of courts at pagkabigo din nito na makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag sa kanyang petisyon.

Nalaman na pinatawan din ng indirect contempt si Falcis at kanyang abogado dahil sa pagkalimot ng mga ito sa “bare rudiments of court procedure and decorum or worse, to purport to know them but really only to exploit them by way of propaganda.”

Una nang inihain ni  Falcis, ang petisyon noong 2015  at hayagan niyang sinabi sa kanyang pleading na siya ay isang ‘homosexual’.

Hiniling ni Falcis sa SC na ideklarang unconstitutional ang bahagi ng Family Code of the Philippines na nagsasaad na ang kasal ay sa pagitan lamang ng lalaki at babae.

 

188

Related posts

Leave a Comment