PILIPINAS NAGHAHANDA NA SA ‘WORST CASE SCENARIO’

NANINIWALA ang National Task Force na itinatag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na handa na sila sa worst case scenario sakaling tuluyang kumalat nang husto ang coronavirus 2019 disease sa bansa.

Ito ay matapos ihayag ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging and Infection Diseases (IATF-EID), na siyang policy-making body ng NTF na pinamumunuan nina OPAP Secretary Carlito  Galvez at Health Sec Francisco Duque bilang co-chair, na mayroon nang 1,950 hospital bed capacity na temporary quarantine ang gobyerno.

Una rito, inilatag ni NTF Presidential Peace Adviser Galvez Jr. ang kanilang    eskimang “detect-isolate-treat” operational methodology sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19.

Sinasabing maaari nang magamit sa Abril 10 ang Rizal Memorial Sports Complex at Philippine International Convention Center sa Pasay City bilang fully functional quarantine facilities para sa persons under investigation at persons under monitoring sa COVID-19.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, mayroong 700 na bed capacity ang PICC at inihahanda na ito ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan na rin ng EEI Corporation.

Ayon kay Nograles, ang Rizal Memorial Sports Complex naman ay mayroong 600 bed capacity at inihahanda ng PRIME –BMD.

Magiging fully functional na rin ang World Trade Center. Mayroon aniyang 650 bed capacity ang World Trade Center.

“Together, these three structures can accommodate a total of 1,950 individuals. Salamat po sa ating private sector partners sa tulong at pagmamalasakit ninyo,” pahayag ni Nograles. JESSE KABEL

68

Related posts

Leave a Comment