PING KAY DU30: ‘INSERTIONS’ SA 2019 BUDGET TANGGALIN

senate

(NI NOEL ABUEL )

TANGING  si Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asa para tuluyang burahin ang mga insertions ng mga mambabatas sa 2019 national budget.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na nauubusan na ito ng pag-asa na malilinis sa bicameral conference committee ang 2019 National Budget sa mga pork insertions.

Maaari umanong gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang line-item veto power sa mga nakasingit na pork sa  pambansang budget.

“My President, you have displayed your strong political will on several occasions. This time, use your line-item veto power over the 2019 appropriations measure by removing all the “pork” inserted by lawmakers who are incorrigibly insatiable and simply ‘beyond redemption’,” saad sa kanyang tweet post.

 

Inamin din ni Lacson na hanggang ngayon ay hindi pa ipinapaalam ni Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda sa kanila ang mga amendments na tinanggap at inalis ng dalawang lider ng bicam panels.

Dahil naman umanosa patuloy na pagkakabinbin ng budget sa bicam, magpapatawag si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng all senators caucus bukas (Miyerkules) bago ang kanilang sesyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment