PNP, NBI, BI PINAKILOS VS CHINESE SYNDICATE

IPINATUTUGIS ni Senador Sherwin Gatchalian sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mga Chinese syndicate na nambibiktima sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Pangamba ng senador na posibleng ang mga Filipino ang susunod na magiging biktima ng mga Chinese syndicate sa likod ng POGO industry sa bansa.

Ang pagkabahala ng mambabatas ay kaugnay sa sunud-sunod na insidente ng pangingidnap ng mga sindikatong ito sa mga kapwa nila Chinese na nagtatrabaho sa POGO.

Aniya, maaaring ang mga Pinoy na ang susunod na biktima ng kidnapping at human trafficking kung hindi masasawata sa lalong madaling panahon ang mga sindikatong ito.

Hinimok din ni Gatchalian ang PNP na mas paigtingin pa ang police visibility sa Metro Manila, kasama na rito ang pagsasagawa ng checkpoint at police patrol. NOEL ABUEL

56

Related posts

Leave a Comment