POC OFFICIALS PINAIIMBESTIGAHAN NI PACMAN SA $450K DONATIONS

MANNY PACQUIAO

(Ni NOEL ABUEL)

Pinaiimbestigahan ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ang mga opisyales ng Philippine Olympic Commitee (POC) kaugnay ng pinaggamitan ng $450K na ibinigay ng International Olympic Committee (IOC).

Giit ni Pacquiao, mahalagang malaman kung papaano nagamit ang nasabing donasyon ng IOC para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Sa inihaing Senate Resolution no. 1007 ni Pacquiao, hiniling nito sa Senate Committee on Sports na magsagawa ng pag-iimbestiga sa origin, paggamit at disbursement sa $450K na IOC grant sa POC noong 2013.

Sinabi pa nito na ang nasabing pondo ay ipinagkaloob bilang donasyon ng IOC para magamit sa pagtatayo ng sports facilities at multi-purpose gyms sa lalawigan ng Leyte at Southern Leyte sa halagang $4,000,000.

Idinagdag pa ni Pacquiao na kabuuang $300,000 na ang nagamit sa dalawang yugto kung saan may natira pang $150,000.

“Although such fund is private in nature, it is imbued with public interest since it involves rehabilitation of public facilities and the participation of the government in its disbursement,” sabi pa nito.

“The POC has to submit a formal financial report to the IOC to be able to receive the third tranche. Therefore it is subject to the oversight function of the Senate to ensure its transparent accounting,” giit pa ni Pacquiao.

Pagtitiyak pa ng senador na sisiguruhin nitong malaman kung nawala o naibulsa ang nasabing pondo.

Please follow and like us:

Related posts

One Thought to “POC OFFICIALS PINAIIMBESTIGAHAN NI PACMAN SA $450K DONATIONS”

  1. Palakasan man tinitira pa ng mga guwaya.

Leave a Comment