PONDO SA BAYANIHAN 2, PINAGAGAMIT SA AYUDA

HINILING ni Senador Grace Poe sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gamitin nang tama ang pondo sa Bayanihan 2 at ibigay kaagad ang kinakailangang ayuda sa mga nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na inatasan na ang Department of Budget and Management (DBM) na kaagad ipalabas ang pondo sa Bayanihan 2 direkta sa mga ahensiya na magpapalabas sa mas mabilis na tulong sa mga taong matinding hinagupit ng COVID-19 pandemic.

“We expect the funds to get to the hands of concerned agencies on time and utilized efficiently. Bureaucratic delays must spare the money intended to tide our people and sectors over the coronavirus crisis,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na ayuda ang pondong ito sa mga walang-wala, panimulang puhunan sa maliit na negosyo o pantawid-gutom sa nawalan ng trabaho hanggang sa makahanap ng bago.

“Huwag na nating hintayin ang Pasko bago nila maramdaman ang benepisyo ng Bayanihan 2. Umaasa ang ating mga kababayan sa tuloy-tuloy na daloy ng tulong habang sila naman ay nagsisikap umahon sa hamong ito,” aniya.

Nitong Biyernes, inatasan ng Inter-Agency Task Force ang DBM na kaagad ipalabas ang pondo sa Bayanihan 2 upang tulungan ang lahat ng naghihikahos, nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo. (ESTONG REYES)

59

Related posts

Leave a Comment