PRESYO NG BEEP CARDS TUMAAS NG P10

(NI KIKO CUETO)

TUMAAS na ang presyo ng mga Beep Cards na ginagamit sa mga tren sa Metro Manila.

Simula Enero 1, tumaas na sa P30 ang Beep Cards mula sa P20.

Ito’y kasunod ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation at AF Payments Inc, ayon na rin sa LRTA na siyang nagpapatakbo ng LRT 1.

Isang joint venture sa pagitan ng Metro Pacific at ng Ayala Corp na AF Payments ang nag-ooperate ng Beep system sa MRT 3 at LRT Lines 1 at 2.

Una itong ipinatupad noong 2015.

 

99

Related posts

Leave a Comment