PRESYO NG LANGIS SUMIPA NA NAMAN

langis12

NAGPATUPAD na naman ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes ang ilang oil companies.

Sa anunsyo ng mga kumpanyang Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, at Total, itataas nila ng P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 ang presyo ng
kada litro ng gasolina.

Samantala, tataasan naman ng Shell ng P0.35 ang kanilang presyo kada litro ng gaas o kerosene.

Bukas naman, araw ng Miyerkoles ay ipatutupad ng Cleanfuel ang P0.20 taas-presyo sa

diesel at P0.30 taas sa gasolina. DAVE MEDINA

69

Related posts

Leave a Comment