PRICE RANGE SA COVID-19 TESTING ITINAKDA

NILAGDAAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) ang “joint order” para sa price range ng COVID-19 testing.

Sa online press briefing, inihayag ng DTI at DOH na ang presyo ng COVID-19 testing sa public laboratories ay hindi dapat tataas ng P3,800 kada test

habang nasa P4,500 hanggang P5,000 naman para sa pribadong laboratoryo.

Ang price cap ay itinakda ng DOH at DTI kasama ang  iba pang ahensya ng pamahalaan batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng mga reklamo na may mga pribadong laboratoryo na umaabot ng hanggang P20,000 ang presyo ng COVID-19 test o depende sa bilis ng pagpapalabas ng resulta.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nilagdaan ang joint order noong Martes at magiging epektibo sa oras na maisapubliko sa mga pahayagan. (JESSE KABEL)

62

Related posts

Leave a Comment