PROMOSYON NG PULIS IDADAAN NA SA CA 

pnp1

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAANI ng suporta sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na idaan na sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang  promosyon ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na walang masama kung isasalang muna sa kumpirmasyon ng CA ang promosyon ng mga pulis mula ranggong colonel pataas.

Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, sa katunayan ay may kapangyarihan ang CA sa promosyon ng mga pulis subalit tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang ang kanilang kinukumpirma sa  kanilang promosyon.

“(b)ack in 1987 when the Constitution took effect, the police were part of the chain of command from the President to the Defense Secretary and to the Integrated National Police. There was no Department of the Interior and Local Government back then,” ani Fortun.

“Sa ngayon kasi, hindi na nga subject sa CA (Commission of Appointments) confirmation ang mga pulis, wala pang vetting process. The DILG Act of 1990 (RA 6975) does not expressly provide for a vetting process, but there are examinations given by Napolcom and the Civil Service Commission,” ayon naman kay AKO Bicol party-list Rep. Alfredo  Garbin.

Sang-ayon din si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na idaan sa CA confirmation ng mga pulis upang maiwasan na mai-promote umano ang mga hindi karapat-dapat na opisyales ng PNP.

“Nakikita namin na baka magkaroon ng bahagyang pagbagal sa promotion pero mas mabuti na yung sigurado kesa magpromote tayo ng mga hindi karapat-dapat,” ani Yap.

Ayon pa kay Yap, kung idadaan sa CA ang promosyon ng mga pulis, ang merito at maayos na record ang magiging batayan ng kanilang kumpirmasyon at malalaman ito ng mga tao.

176

Related posts

Leave a Comment