PROTEKSYON NG FOOD DELIVERY RIDERS, ISINUSULONG

0

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa kanyang mga kasamahan sa Senado na aprubahan ang kanyang panukala na nagsusulong ng proteksyon sa mga delivery rider ng pagkain.

Sa kanyang Senate Bill 1677 o ang proposed Food and Grocery Delivery Services Protection Act, nais ni Lapid na bigyang atensyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kaso ng cancellation ng food deliveries na kadalasang pinababayaran sa mga rider.

Binigyang-diin ni Lapid na maraming cusyomer ang tumangkilik sa food deliveries dahil sa pandemya.

“Ito ay napapanahon at maraming nanloloko sa ating mga consumer lalong-lalo na itong mga driver. Hindi naman pala totoong umo-order, kawawa naman. Napeke sila, ititinda na lang sa mga kanto-kanto para mabili,” diin ni Lapid.

“Siguro dapat mabigyan ng pansin ito dahil ang mga Grab rider natin ay kawawang-kawawa naman sila. Sila ay naghahanap-buhay at kokonti lang ang kinikita,” dagdag nito.

Bilang tugon, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nagpalabas na sila ng mga advisory sa publiko upang resolbahin ang mga insidente.

“We made advisories to make sure to take screenshots of the calls that were made or the text messages that were sent to them by the purported buyer.

Tapos if they are willing and ready to execute a sworn affidavit to this effect, they can bring it to the DTI,” paliwanag ni Castelo.

Sinabi naman ni Grab spokesperson Nicka Hosaka na simula noong August 2020, nagpatupad na sila ng polisiya na hindi na kailangan ng mga rider na mag-advanced payment.

“Nag-start kami, gradual yan, wherein our merchant partners or yung mga restaurants, diretso na ang payment sa kanila ng mga nag-oorder, wala nang nilalabas na pera ang ating mga riders,” saad nito.

“In fact, in the event merong, for example, hindi nag-claim ng kanilang order or yung tinatawag natin no-show, itong mga users na ito ay nagkakaroon sila ng penalty because we acknowledge, iba talaga yung service na ginagawa ng ating mga rider-partners,” dagdag pa ni Hosaka.

Binigyang-diin naman ni FoodPanda public affairs manager Rose Romero na hindi nila pinagbabayad ng cash ang mga rider sa order ng customer.

“Sa Food Panda, the system is we have an established device that is provided to our partner establishments and yun ang kumukuha ng orders na binibato ng app from customers. From there, diretsong pine-prepare. So hindi na kailangan pumunta ng rider doon para mag-order or even magbayad,” paliwanag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Related posts

Leave a Comment