PULIS INATASAN NI PDU30 NA MAGHATID NG HEALTH WORKERS

pnp55

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng libreng sakay pauwi ang mga health worker lalo na iyong nasa lansangan pa rin kahit dis oras na ng gabi.

“The PNP is put on notice na kung ‘yung mga ganun, few public motor vehicles are running at saka yung may mga franchises, yung inside their houses… Police should come in,” ani Pangulong Duterte.

Kaya ang payo niya sa mga health worker ay parahin ang makikitang pulis na makakasabay niya sa daan pauwi.

“Snappy salute to health workers and we will protect you. ‘Pag gabi na and you are still far away from your home, if you are still about a kilometer away at may makitakang police, parahin mo at sabihin mo sa police, pahatid ka,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabihan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na tanungin ang mga health worker kung saan ang kanilang bahay at ihahatid nito “Health workers, may card ‘yan na naglalakad. Tanungin ninyo kung gaano pa kalayo.

Give them a lift and deliver them to their house,” pahayag nito. CHRISTIAN DALE

70

Related posts

Leave a Comment