RECORD HIGH COVID-19 CASES, NAITALA NG DOH

MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).

Nitong Martes, umabot sa 1,150 ang mga bagong kaso ng sakit kaya umakyat na sa 31,825 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa 1,150 bilang, 789 ang “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw. Ang 361 naman ay “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw, pero ngayon lang na-validate.

Ang 1,150 bagong kaso ang pinakamataas na naitala mula noong May 29 kung saan nagtala rin ng record high na 1,046.

Umabot naman sa 8,442 ang total recoveries matapos madagdagan ng 299 na bagong gumaling.

Nadagdagan naman ng siyam ang mga nasawi kaya mayroon nang 1,186 total deaths sa bansa. D. ANIN

Related posts

Leave a Comment