RICE TRADER NA PASAWAY I-TOKHANG – SOLON

(NI ABBY MENDOZA)

BUNSOD na rin ng paglabag ng mga rice traders na patuloy na umaabuso sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), inirekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda na gumawa na ng hakbang ang Malacanang at tokhangin ang mga ito.

Ayon kay Salceda, chair ng House Committee on Ways and Means, hindi natitigil ang paglabag ng mga rice traders kaya nararapat lamang na gumawa na ng hakbang ang pamahalaan, una na rito ay pagbubukas sa mga warehouse ng mga rice traders at busisiin ang kanilang import deliveries.

“Lumalabas po sa batas pinalakas lalo natin yung mga traders so ang panawagan ko itokhang ang mga yan! Yeah, tignan natin yung mga warehouse, tingnan natin yung mga import ano deliveries nila,” ani Salceda kung saan umapela ito sa Philippine Competition Commission, National Bureau of Investigation(NBI) at Bureau of Internal Revenue(BIR) na habulin ang mg abusadong rice traders.

Ani Salceda matinding hoarding ang ginagawa ng mga traders kaya sila din ang nakikinabang sa RTL.

Hindi lamang mga kawawang magsasaka ang apektado ng modus ng mga trader dahil nasasagasaan din ang food security ng bansa at tumitindi ang rural poverty.

“The prices reflect the structure of that industry. Eto pa ho oh, it’s prima facie evidence that there are cartels. Sa kanila napunta lahat ng benepisyo ng RTL. Ngayon yung nasaktan yung farmers dahil bumagsak from 18, bumagsak ng 11, ngayon bagsak sa national government para mapunuan,” dagdag pa ni Salceda.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment