Roque: Kung sa Palasyo ay Laging Handa LENI LAGING MALI

ITINUTURING ng Malakanyang na conter-part ng Laging Handa ng pamahalaan si Vice President Leni Robredo.

Ang tinutukoy ni Sec. Roque ay ” Laging mali” si Robredo.

Hugot ni Roque sa panibagong buwelta sa bise presidente ay nang sabihin nitong dapat dumaan sa Health Technology Assessment sang-ayon sa Universal Health Care ang pagdating ng Sinovac sa bansa.

Sinabi ni Sec. Roque na malinaw naman kasi sa probisyon ng batas na ang HTAC ay isang transparent priority setting mechanism na recommendatory sa DOH at hindi mandatory gaya ng pinalalabas ni Robredo.

Ang HTAC ay grupo ng medical at health experts na itinalaga ng health secretary upang magsagawa ng assessment sa mga gamot, bakuna o iba pang health devices na aangkatin ng DOH o ng PhilHealth. (CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment