ROQUE: METRO MANILA MALABONG MAG-MECQ SA AGOSTO 1

TIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi bababa sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang susunod na quarantine mode sa Metro Manila na posibleng
ihayag sa Agosto 1.

Ayon kay Sec. Roque, wala namang paglala sa case doubling rate.

Aniya, may gagawing pagpupulong ang mga taga-IATF at pag-uusapan ang quarantine protocol na ipatutupad simula sa nasabing petsa.

Sinabi ni Sec. Roque na mayroon nang rekomendasyon ang Department of Health tungkol dito pero ito’y pag-uusapan pa sa gagawing meeting mamaya.

Dapat aniya sana ay nasa mas mahigpit pang quarantine protocol ang NCR nitong Hulyo 16 base na rin sa rekomendasyon ng UP pero nagpasya ang Chief Executive na manatili na lang sa GCQ ang Metro Manila matapos umapela sina DILG Secretary Eduardo Año at Chief Implementer Carlito Galvez. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment