Roque napahiya SABLAY NA TELCO IPAKAKASTIGO KAY DUTERTE

IPARARATING ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyaring kapalpakan o pagbagsak ng network signal sa loob ng Malakanyang habang ongoing ang virtual press briefing nito, araw ng Huwebes.

Tiniyak ni Sec. Roque na isasama niya sa isusumiteng ulat o rekomendasyon kay Pangulong Duterte ang kahiya-hiya aniyang nangyari sa kanyang virtual press briefing na nasaksihan ng buong bansa.
Giit ni Sec. Roque, tila wala pa ring pagbabago ang napakahinang internet signal.

Kaya ang tanong ni Sec. Roque ay kung kailan kaya mararanasan ng bansa ang sinasabi ng mga telecommunication companies na nagkaroon na ng pagbuti ang kanilang serbisyo matapos ang mga isinagawa nilang network upgrade at pagtatayo umano ng mga karagdagang tower.

SA kabila ng nakahihiyang insidenteng ito ay mariing sinabi naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Emmanuel Rey R. Caintic na “No to ship out, Yes to Shape up”.

Tugon din ito sa naging banta ni Pangulong Duterte sa mga Telcos noong Hulyo ng nakaraang taon na “improve the services before December” o mahaharap sa pagsasara at tuluyang babawiin ang prangkisa.

Hindi kasi nagustuhan ng pangulo na palpak ang internet connection na kailangang-kailangan pa naman ngayon at mataas ang demand ng paggamit ng online ngayong pandemic lockdown.

Sinabi ni Sec. Roque na mula sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2020, nag-improved ang fixed download speed ng 25.4 percent, habang ang mobile download speed ay tumaas ng 32.7 percent.

Ang average download speed sa fixed broadband sa bansa ay nag- ranked ng 29 mula sa 50 bansa sa Asya.

Sinabi naman ni Caintic na ito’y dahil sa “increase in tower rollout.”

“Ang challenge natin would still be the fiber rollout,” anito na ang tinutukoy ay ang hardware na pinapayagan ang mas maraming stable connection.

Aniya, hinihikayat ng DICT si Pangulong Duterte to “continue that firm stance and push for the telcos.”

“Our efficacy sa gov’t, hindi naman tayo nagkulang ng pagbigay ng suporta sa ating mga telecom company. We should not lessen our pressure on them. In fact we should even intensify the push,” anito.

“But at the same time, we should do our best, as government also, to alleviate iyong problema sa mga permits. So, walang reason na mag-lessen ng pressure pero dual work,” ani Caintic.
Samantala, ipaaabot naman ni Sec. Roque ang mga rekomendasyon ng DICT kay Pangulong Duterte ngayong linggo.

Itinutulak kasi ni Pangulong Duterte ang magkaroon nang mas maayos na internet service ang bansa sa pamamagitan ng pagpasok sa bansa ng third telco, ang DITO Telecommunity. (CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment