Sa kapalpakan ng DOH – solon COVID SA PINAS, LULUBHA

NANGANGAMBA si Senador Ping Lacson sa posibleng paglala pa ng sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kung hindi isasaayos ng Department of Health (DOH) ang kanilang sistema.

May kinalaman ito sa hindi anya tamang datos na ibinibigay ng DOH kaugnay sa mga tinamaan ng virus.

“Sa akin, nakakatakot at nakakapangamba. Sa tingin ko pag ganyan at ganyan ang takbo di tayo magtatagumpay, marami pang madidisgrasya. Hindi accurate ang binibigay na datos,” saad ni Lacson.

Pinuna ni Lacson ang 14 araw na backlog ng DOH sa mga isinasagawang test na minsan aniya ay umaabot pa ng 20 araw.

Ibinunyag din ni Lacson ang pagtanggi ng DOH na i-automate o ang pagnanais na manatiling manual ang PCR extraction ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

“Bakit insisting ang RITM, ang DOH, na mag-manual? Sa PCR extraction dapat automated na, kasi matagal nang automated ang sa ibang bansa. Pero parang (ayaw) ang RITM and DOH na mag-automate. Bakit? Ang sagot, kasi pag manual maraming involved na consumables,” paliwanag ni Lacson.

Muli nitong binanatan si Health Secretary Francisco Duque III na tinawag niyang “hubris” o overconfident. DANG SAMSON-GARCIA

Related posts

Leave a Comment