SAFETY MEASURES SA SESSION, INILALATAG NA NG SENADO

0

PINATITIYAK ni Senate President Tito Sotto na nakalatag na ang mga kinauukulang safety measure at protocols sa kanilang pagbabalik-sesyon sa Mayo 4.

Bukod sa thermal scanner at paglalagay ng mga alcohol sanitizer sa bawat pasukan at bawat pinto ng mga kwarto, nagpalagay rin si Sotto ng disinfecting mat system sa main entrance at sa entrance mula sa covered parking na siyang dinadaanan ng mga senador.

Ayon kay Senate Secretary, Atty. Myra Villarica, ang disinfecting mat ay mayroong disinfecting solution at mayroong katabing drying mat.

Kahapon ay nag-inspeksyon si Sotto kasama si Villarica, gayundin sina Deputy Secretary Arnel Banas at Senate Sergeant at Arms General Rene Samonte.

Sinilip din ng mga ito ang dry run ng ipatutupad na teleconferencing system para sa kanilang virtual session sakaling maamyendahan ang kanilang regulasyon at payagan ang teleconferencing.

Dahil extended pa hanggang sa Mayo 15 ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, mananatili ang restricted access sa Senado kung saan limitado lang ang papayagang makapasok.

Maging ang mga miyembro ng media ay hindi muna papayagang mag-cover at sa halip ay magmo-monitor na lamang sa live streaming. DANG SAMSON-GARCIA

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment