SANCHEZ ‘DI PALALAYAIN NI DU30

du3055

(NI BETH JULIAN)

KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalaya ang convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ang sinabi ni Senador Bong Go matapos silang persanol na magkausap ng Pangulo kung saan naitanong niya ito kung ano ang reaksyon hinggil sa balitang posibleng pagpapalaya kay Sanchez sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Pero diretsahang itinugon ng Pangulo na hindi ito sang ayon na mapasama si Sanchez sa GCTA.

Sinabi ni Go na ikinatwiran ng Pangulo na hindi karapat-dapat si Sanchez dahil karumal-dumal ang kanyang ginawang krimen.

Ayon kay Go, galit ang Pangulo sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Pahayag pa ni Go, lumabas din ang pagiging abogado ng Pangulo dahl mayroon pa itong mga batas na binanggit na tumutukoy na hindi maaaring palayain si Sanchez.

 

99

Related posts

Leave a Comment