SANGLEY AIRPORT PINABUBUKSAN NI DU30 SA NOVEMBER

sangley point21

(NI BETH JULIAN)

NAGPAHIWATIG na ng pagkainip si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite City upang mabawasan ang problemang kinakaharap ng NAIA airport.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na batay sa original plan ng Department of Transportation, sa December pa sana bubuksan ang operasyon ng Sangley Airport pero dahil gusto na ng Pangulo na gawin na ito sa November.

Layon ng hakbang na mabawasan ang air traffic congestion sa NAIA na nagiging dahilan ng pagka antala ng mga flights.

Una nang nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo sa mga natuklasan nitong mga aberya sa  NAIA matapos magsagawa ng surprise inspection Lunes ng madaling araw kaya nagpahiwatig na ito na posibleng magpatupad din siya ng balasahan sa mga opisyal ng NAIA sa susunod na mga araw.

84

Related posts

Leave a Comment